|
||||||||
|
||
Mga akusasyon ng human trafficking at illegal recruitment, itinanggi
\MGA AKUSASYON, PINABULAANAN. Itinanggi nina Ma. Cristina Sergio (gitna) at ng kanyang kinakasamang si Julius Lacanilao ang mga akusasyon ng human trafficking, illegal recruitment at estafa mula sa kampo ni Mary Jane Veloso at ng kanyang pamilya. Ito ang nilalaman ng kanilang nilagdaang waiver na nakarating sa CBCPNews. Nagpasalamat sina Sergio at Lacanilao sa serbisyo ng Public Attorney's Office sa ilalim ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta (kaliwa, nakatalikod sa camera) at ng kanyang koponan ng mga tagapagtanggol. (Contributed Photo)
MARIING itinanggi nina Maria Cristina Pasadilla-Sergio at Julius Lacanilao ang mg akusasyon tulad ng human trafficking, illegal recruitment at estafa na ipinarating ng Pamilya Veloso.
Sa isang waiver, sinabi ng dalawa na mula ng pumutok ang balitang bibitayin na si Mary Jane Veloso, wala na umanong humpay ang pagtuligsa sa kanilang pagkatao at karangalan.
Sa kanilang sulat-kamay na pahayag, sinabi nina Sergio at Lacanilao na kinalkal na ang kanilang pribadong buhay at patong-patong na mga akusasyon.
Idinagdag pa nila na hindi sila estafador at tumulong lang sila. Pinautang nila si Mary jane Veloso na hanggang ngayonay 'di pa nababayaran. Itinanggi rin nila ang akusasyong human trafficker at illegal recruiter sila sapagkat hindi naman sila nangangalap ng mga manggagawa.
Ibinili lamang nila ng ticket si Mary Jane Veloso patungong Malaysia bilang bahagi ng utang sa kanila. Tanging mga abogado na ng Public Attorney's Office sa ilalim ng pamumuno ni Atty. Persida Rueda Acosta, ang kanilang inaasahang magtatanggol sa kanila.
Detenido ang dalawa sa piitan ng National Bureau of Investigation.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |