Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pasado sa komite ang Bangsamoro Basic Law

(GMT+08:00) 2015-05-20 18:14:52       CRI

Mga lider ng kalakal at paggawa, nanawagan sa ngalan ng mga manggagawang nasawi

NANAWAGAN ang mga pinuno ng kalakal at paggawa sa pamahalaan na asiyasating mabuti ang naganap na sunog sa Valenzuela City noong nakalipas na Miyerkoles. Nasawi ang 72 manggagawa sa insidente.

Sa ngalan ng Employers Confederation of the Philippines, nanawagan ang pangulo nilang si Edgardo Lacson na gawin ang kaukulang imbestigasyon upang mabatid kung mayroong paglabag sa Fire Code of the Philippines, Occupational Safety and Health Standards at ang karaniwang Labor standards.

Ani G. Lacson, kung may mapapatunayang mga paglabag, nararapat lamang na maparusahan ang kinauukulan. Kailangan ding maibigay ang lahat ng benepisyo at kabayaran sa mga nasawi.

Suportado ng ECOP ang kaligtasan, kalusugan at ang makataong hanapbuhay ay 'di kailanman matatawaran.

PAMAHALAAN, DAPAT MAGSIYASAT.  Ito ang panawagan ni Ambassador Francis Chua, dating pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry matapos maganap ang malagim na sunog sa Valenzuela City na ikinasawi ng 72 manggagawa.  (File Photo/Melo M. Acuna)

Ayon naman kay dating Philippine Chamber of Commerce and Industry president Ambassador Francis Chua, ang mga trahedyang ganito ay maaaring maganap sa alinmang bahagi ng daigdig.

Kailangan ang masusing pagsisiyasat at magkaroon ng kaukulang hakbang upang maiwasan na ang ganitong trahedya.

Sa panig ni Atty. Sonny Matula, umaasa ang Federation of Free Workers na kanyang pinamumunuan na magsasanib ang Kagawaran ng Katarungan at Paggawa sa pagsisiyasat sa insidente.

Marapat lamang pagbalik-aralan ang pagtalima ng mga kumpanya sa mga itinatadhana ng batas sa kalusugan at kapakanan ng mga manggagawa.

1 2 3 4 5 6 7 8 9
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>