Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga naulila ng Sulpicio Lines, nagwagi sa kaso sa Manila RTC Branch 49; Bayad-pinsala, aabot sa P 241 milyon

(GMT+08:00) 2015-10-14 18:09:50       CRI

MATAPOS ang pitong taong paglilitis, naglabas ng desisyon ang Manila Regional Trial Court Branch 49 sa illalim ni Judge Daniel C. Villanueva ng desisyon na pumabor sa mga naulila ng paglubog ng "Princess of the Stars" na pag-aari ng Sulpicio Lines na ngayo'y kilala na sa pangalang Philippine Span Asia Carrier Corporation. Naganap ang paglubog ng barko noong ika-21 ng Hunyo 2008.

Napatunayan ng mga naulila na nagkaroon ng kapabayaan ang Sulpicio Lines sa naganap na trahedya. Mayroong contract of carriage sa pagitan ng mga pasahero at ng kumpanya ayon sa passenger manifest at sa paglalabas ng releases at quitclaims na pag-amin sa panig ng Sulpicio na ang mga tumanggap ng halaga ay mga biktima at nakaligtas sa trahedya.

Napatunayan ding nagkulang ng ibayong pag-iingat ang kumpanya ayon sa itinatadhana ng Civil Code of the Philippines. Hindi nakarating ang barko sa patutunguhan sapagkat lumubog ito sa Sibuyan Sea, sa San Fernando, Romblon ay nagpapatunay lamang ng kapabayaan.

Nagtanghal ang Public Attorney's Office ng mga saksi mula sa Philippine Coast Guard at isang dalubhasa sa pagdaragat. Sinabi ng mga saksi na naging dahilan ang kapabayaan ng Sulpicio kaya nauwi sa trahedya ang paglalakbay.

Nabanggit na rin ng MARINA ang tungkol sa kapabayaan ng Sulpicio Lines sa desisyon nito noong ika-23 ng Enero, 2015. Wala ring ipinatupad na emergency crisis management bago naganap, noong lumulubog na ang barko at matapos itong lumubog ayon sa mga nakaligtas na sina Francisco Batula, Gerardo Pelimer, Susan Lisbo at Rodel Laborte. Sa kasagsagan ng trahedya, walang tauhan ng Sulpicio Lines ang tumulong sa kanila.

Nabatid rin na ang halagang P 200,000.00 kabayaran at P 20,000 halaga ng pampalibing na may kapalit na Release at Quitclaim ay kahalintulad lamang ng aggregate limit ng accidental death at burial expenses sa ilalim ng Group Personal Accident Insurance Cover na ipinagkaloob sa Sulpicio Lines ng Oriental Assurance Corporation. Nagdesisyon na rin ang Court of Appeals na nagsasabing ang paglalabas ng releases at quitclaims ay taliwas sa public policy.

Sapagkat Public Attorney's Office ang naging abogado ng mga naulila at mga biktima, limang porsiyento ng halagang ibabayad ng Sulpicio Lines ang matutungo sa Pambansang Ingat-Yaman. Umabot sa P 241 milyon ang bayad-pinsala. Nagkakahalaga iang limang porsiyento ng halaga na aabot sa higit sa P 12 milyon.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>