Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga naulila ng Sulpicio Lines, nagwagi sa kaso sa Manila RTC Branch 49; Bayad-pinsala, aabot sa P 241 milyon

(GMT+08:00) 2015-10-14 18:09:50       CRI

Obispo at kaparian ng Dipolog, umaasang maililigtas ang Italyanong dinukot

NAGPAHAYAG ng pagasa ang Obispo ng Dipolog, Bishop Severo C. Caermare at mga pari na maililigtas ang Italyanong si Rolando del Torchio na dinukot noong nakalipas na Miyerkoles ng gabi sa kanyang restaurant sa loob mismo ng Andres Bonifacio College Compound.

Sa isang pahayag ng mga nakasaksi, nagpanggap ang apat sa kidnappers na mga customer at ayon sa closed circuit television, at may pumasok na anim na iba pa at sapilitang isinama ang Italyano. Hinila siya at isinakay sa isang van patungo sa Boulevard sa Barangay Miputak. Nilagyan ng sako sa mukha ang biktima ay isinakay sa dalawang bangkang de motor at nawala na lamang sa karagatan.

Ayon sa Diocese of Dipolog, si9 G. Del Torchio, 56 taong gulang, ay isinilang noong ika-16 ng Nobyembre 1958 sa Angera, Varese, Northern Italy. Naordenan sa pagkapari sa Pontifical Institute ofr Foreign Missions at ipinadala sa Pilipinas. Naglingkod siya biulang Parochial Vicar ng Holy Cross Parish sa Siocon, Zamboanga del Norte noong ika-19 ng Pebrero 1990. Naglingkod siya sa Saint Joseph Chapel sa Sibuco sa ilalim ng Parokya ng Siocon.

Itinatag niya ang Farmers Training Cooperative Center, isang NGO na tumulong sa mga magsasaka sa Sibuco, Zamboanga del Morte. Umalis siya sa pagkapari noong 1996 at nanatili sa lalawigan at nagkaroon ng kanyang pizza restaurant na may pangalang UrChoice Bistro Cafre.

Humiling ng panalangin si Bishop Caermare sa mga mananampalataya upang mailigtas ang dinukot na dating misyonero. Nagpapasalamat din sila sa local government, sa pulis at militar na tumutulong sa pagsisiyasat.

Nilagdaan nina Fr. Leonilo Dagpin, Jr., vice chancellor at Bishop Caermare ang pahayag na ipinadala sa Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Sa pinakahuling impormasyon mula kay G. Lorenzo Aseneiro, tagapagsalita ng Crisis Management Committee ng Dipolog, wala pang natatanggap na anumang balita o ransom demand mula sa mga dumukot sa dating misyonero hanggang sa mga oras na ito.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>