|
||||||||
|
||
Pamumugot ng Malaysian national, kumpirmado
WALANG koneksyon sa pagdaraos ng APEC sa Maynila ang pamumugot ng Abu Sayyaf sa kanilang binihag na Malaysian national.
Tiniyak ito ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez sa pakikipagbalitaan sa mga mamamahayag. Isinama na rin umano nila ang ganitong pagkakataon sa kanilang pagbabalak para sa APEC Summit.
Si Marquez ang commander ng Security Task Force APEC. Idinagdag niyang pinugutan ang bihag na Malaysian ng hindi makabayad ng ransom. Isang commuter van naman ang binomba sa Davao City na ikinasugat ng dalawa katao.
Pina-igting pa ang seguridad sa APEC Summit matapos manalakay ang mga terorista sa Paris.
Sa panig ng Armed Forces of the Philippines, sinabi ni Col Restituto Padilla na mayroong instructions ang kanilang commanders sa Mindanao na suportahan ang Philippine National Police sa pagbabantay sa kapayapaan at kaayusan ng kapuluan.
Kinondena na rin ni Malaysian Prime Minister Datuk Seri Najib Tun Razak ang pamumugot kay Bernard Then na gawi ng mga barbaro.
Sa kanyang pahayag sa social media, sinabi ng pinuno ng Malaysia na nagimbal ang buong bansa sa naganap sa kanilang kababayan. Humiling siya na papanagutin ang mga may kagagawan ng krimen.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |