|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, dadalaw sa mga nasalantang lalawigan
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na dadalaw siya sa mga pook na nasalanta ng magkasunod na bagyong :Nona" at "Onyok" sa panayam sa pagdiriwang ng ika 80 Anibersaryo ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Communications Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. na personal na nakita ni pangulong Aquino ang mga binahang pook sa Bulacan at Pampanga sa kanyang paglalakbay patungo sa Clark Air Base sa pagdiriwang ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
May koordinasyon na sa mga iba't ibang tanggapan ng pamahalaan sa mga nasalantang pook. Titiyakin umano ng pamahalaang maiparating na ang tulong sa mga apektadong pook bago pa man dumalaw ang pangulo.
Niliwanag ni Secretary Coloma na ihahayag ang schedule ng pagdalaw ni Pangulong Aquino sa mga pook na nasalanta nina "Nona" at "Onyok".
Sa deklarasyon ng State of Calamity sa buong bansa, madadali ang pagtulong sa mga mamamayan na nawalan ng tahanan.
Magbibigay ang pamahalaan ng construction materials at cash-for-work upang maitayong muli ang mga apektadong tahanan. Magugunitang umabot na sa 45 katao ang nasawi pagtama ng dalawang bagyo.
Ang pagpapalabas ng tubig mula sa iba't ibang dam sa Luzon na kinabibilangan ng Angat, Bustos at Ipo dams ang naging dahilan ng pagbaha sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |