|
||||||||
|
||
Mga kasama sa gabinete, higit na magtutulungan
ITUTULOY ng gabinete ni Pangulong Aquino ang pagtutulungan at magsusulong ng ibayong reporma kahit pa nakatanggap ng mababang rating sa huling tatlong buwan ng taong 2015. Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations.
Ang buong gabinete ng pangulo ay nakatanggap ng 38% mula sa 40% sa buong third quarter ayon sa SWS survey sa pag-itan ng ika-lima at ika-walo ng Disyembre. Ginawa ang pagsusuri sa may 1,200 adults, at may 27% mula sa 23% noong Setyembre, na hindi sila natutuwa sa gabinete samantalang mayroong 32% o 34% naman ang walang anumang pag-husga.
Sa likod ng survey results, naniniwala si Secretary Coloma na moderate na ang 38% ng mga tumugon ang satisfied samantalang may 32% ang undecided at 27% ang dissatisfied para magkaroon ng net satisfaction rating na +11%.
Kahit pa nabasa na nila ang survey results, tuloy pa rin ang buong gabinete na maghahatid ng ibayong remorma at development programs para maging malawakan ang kaunlaran tulad ng nilalaman ng intensive growth.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |