|
||||||||
|
||
Pilipinas, nagbubunyi sa pagwawagi ni Pia Wurtzback sa Miss Universe 2015
MATAPOS ang 44 na taong paghihintay, isang Filipina ang nakoronahan bilang Miss Universe kagabi oras sa Estados Unidos. Naghintay ang milyong mga Filipinong nag-aabang na final results bago itinuwid ni Steve Harvey ang kanyang pagkakamali na ang Miss Universe 2015 ay hindi si Ariadna Gutierrez-Arevalo ng Colombia na una niyang binanggit bagkos ay ang 26 na taong gulang na may dugong Aleman at Filipino sa katauhan ni Pia Alonzo-Wurtzback.
Ilang ulit na sinabi ni Harvey na siya ang nagkamali. Nanood ang pandaigdigang audience at mga dumalo sa Planet Hollywood Hotel sa Las Vegas.
Binili ng IMG, isang events and talent management company sa New York ang 64 na taong gulang na beauty pageant mula sa bilyonaryong negosyante at kandidatong si Donald Trump. Maayos na sana ang lahat hanggang sa pagkakamali ni Harvey sa paghahayag ng nagwagi at ng first runner-up.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |