|
||||||||
|
||
Pemberton, aapela
HINILING ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa hukuman na pawalang-sala siya sa pagpaslang kay (Jeffrey) "Jennifer" Laude noong nakalipas na Oktubre 2014.
Humiling din siyang bawasan ang parusang pagkakabilanggo ng anim hanggang 12 taon at payagang makapag-piyansa.
Ayon kay Atty. Rowena Garcia-Flores, igigiit niyang hindi pinatay ng kanyang kliyente si "Jennifer" Laude sa isang silid sa isang motel sa Olongapo City matapos silang magkakilala sa isang disco.
Nararapat din umanong pagaanin ang kanyang hatol sapagkat sumuko siya sa mga autoridad.
Napatunayang nagkasala si Pemberton ng pagpatay noong Disyembre ng isang hukuman at ngayo'y detenido sa punong himpilan ng Armed Forces of the Philippines.
Nabahala rin ang hukuman sa kinalalagyan ni Pemberton sa Armed Forces of the Philippines headquarters. Samantala, ayon sa mga aktibista, hahadlangan nila ang mosyon ni Pemberton at ng kanyang abogado.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |