|
||||||||
|
||
151231melo.mp3
|
Madugong sagupaan naganap sa Sulu
NAPASLANG ng mga kawal na Filipino ang may 10 kasapi ng Abu Sayyaf sa Jolo kanina. Ayon sa balitang lumabas sa Maynila, pinag-ibayo ng mga kawal ang kanilang operasyon upang mabawi ang mga banyagang dinukot ng mga armado.
Isang tinyente ang kabilang sa walong kawal na napaslang sa isang sagupaan kinatampukan ng may 300 kasapi ng Abu Sayyaf kahapon.
Naghati-hati ang grupo at nagkanya-kanyang direksyon patungo sa kabundukang bahagi ng pulo. May 15 pa umanong mga militante ang sugatan.
Hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang dalawang Canadian, isang Dutch citizen, isang Norwegian at isang Hapones. Noong nakalipas na Nobyembre, pinugutan ng mga militante ang isang Malaysian national kaya't nag-utos si Pangulong Aquino na magsagawa ng walang-humpay na operasyon laban sa mga militante.
Sinalakay umano ng mga kawal ang pinagkukutaan ng mga rebelde kaya't nagkaroon ng tatlong oras na sagupaan. Wala umanong indikasyong na sa pulo pa ang hostages.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |