Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Commission on Elections, maraming nararapat gawin

(GMT+08:00) 2016-01-04 18:45:23       CRI

MARAMING nararapat gawin ang Commission on Elections upang manatili ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa darating na halalan. Ito ang nagkakaisang pananaw nina Atty. Rona Ann V. Caritos, acting executive director ng Legal network for Truthful Elections (LENTE), G. Eric Alviar ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), Tony Villasor ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ni dating Comelec Commissioenr Augusto "Gus" Lagman sa unang edisyon ng Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.

MATUTULOY ANG HALALAN.  Naniniwala si dating Comelec Commissioner Augusto Lagman (pangalawa mula sa kanan) na matutuloy ang hallan sa buwan ng Mayo subglit mas makabubuting magdesisyon na ang Korte Suprema sa mga usaping inihain laban kina Senador Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.  Nakasama sa Tapatan sa Aristocrat kanina sina Atty. Rona Ann Caritos ng LENTE, Tony Villasor ng PPCRV at nasa dulling kanan si Eric Alviar ng NAMFREL.  (Melo M. Acuna)

Bagaman, sinabi ni G. Lagman na marapat lamang na magdesisyon na ang Korte Suprema sa mga usaping humihiling na tuluyang ma-diskwalipika sina Senador Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang kandidatura sa pagka-pangulo.

Kung hindi makakapagdesisyon ang Korte Suprema ayon sa takdang panahon, makakasama pa sa mga balota ang mga pangalang Poe at Duterte na magiging dahilan upang mabilang pa ang boto na papabor sa kanila. Maaaring magkaroon ng mga 'di pagkakaunawaan sa magaganap na ito.

Para kay Atty. Caritos, naglabas na ang kanilang samahan at ang Integrated Bar of the Philippines na pormal na humiling sa Commission on Elections na ipakita kung paano mabibilang ng maayos ang mga balota ngayong darating na halalan. Kailangan din umanong magkaroon ng dagdag o pasobrang balota upang huwag namang mahadlangan ang mga botante sa kanilang pageehersisyo ng kanilang karapatang makapili ng kanilang napupusuang pinuno ng pamahalaan.

Subalit ikinalungkot ni Atty. Caritos na hanggang sa mga araw na ito'y wala pang sagot ang Commission on Elections sa kahilang inilathalang pahayag sa ilang broadsheets.

Ipinaliwanag naman ni G. Tony Villasor ng PPCRV at Diocese of Novaliches, na kailangang ipagpatuloy ang voters' education upang mabantayan ang kasagraduhan ng mga proseso ng pagboto. Ang problema, ayon kay Villasor, ay nauuwi sa batuhan ng putik ang mga kandidato kaya't lumalabas na walang pagpipilian ang mga mamamayan.

Idinagdag naman ni G. Eric Alviar ng NAMFREL na marapat lamang na bantayan ang paglilimbag ng mga balota sapagkat mahalaga ito sa proseso ng pagboto. Kailangan ring matiyak na ang security safeguards na itinatahadana ng Automated Election Law.

Hinggil sa mga nababalitang nangangampanya ng ilang kandidato kahit pa wala pa sa takdang panahon, sinabi naman nhi Atty. Caritos na bahagi na ito ng freedom of expression hanggang wala pa sa itinakdang panahon ng pangangampanya. Kahit na ang naglalagay ng mga larawang kuha noong kanilang panahon sa high school, walang sinumang mangangampanya na 'di na gagamitin ng kanilang pinakamagagandang larawan sa kanilang posters.

Mahalaga ang integridad, kakayahan at karanasang mamuno, dagdag pa hi G. Lagman.

Nanawagan din ang mga bumuo ng panel sa mga mamamayan na huwag gamitin ang surveys sa pagpili ng kanilang mga kandidato sa halalan sapagkat ang mga survey ay binayaran ng iba't ibang kandidato. Niliwanag din nilang ang survey results ay halaw sa saloobin o sintemiento ng mga botante na kakaiba sa kanilang magiging gawi sa darating na halalan.

Ayon kay G. Alviar, nagkaroon sila ng halos 100,000 mga volunteer noong 2007 elections sapagkat kailangan nilang magsagawa ng Operation Quick Count. Sa panig ng PPCRV, sinabi naman ni G. Villasor na noong nakalipas na 2013 elections, umabot sa 700 libo hanggang isang milyong volunteers ang kanilang itinalaga sa iba't ibang gawain. Mayroong nagbantay sa halalan, may nagdasal at mayroong naglingkod sa mga tanggapan kaya't mas marami ang kanilang volunteers.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
melo
v Madugong sagupaan naganap sa Sulu 2015-12-31 15:31:58
v Maging bayani rin kayo, panawagan ni Pangulong Aquino 2015-12-30 16:00:34
v melo20151229 2015-12-29 19:51:09
v Tulong ng pamahalaan, huwag naman sanang pabalat-bunga 2015-12-25 19:44:17
v melo20151224 2015-12-24 17:41:26
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>