|
||||||||
|
||
Mga pulis sa buong bansa, sinumulang balasahin
MAY 740 mga police director, mga hepe at kumander na may mga kamag-anak na tumatakbo sa halalan at mga tauhang gumugol ng higit sa dalawang taon sa kanilang puesto ang nailipat sa ibang police units.
Sinabi ni C/Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police na ang hakbang na ito ay upang maiwasan ang mga politikong maimpluwensyahan ang pulis sa kanilang nasasakupan sa panahon ng halalan.
Sa isang press briefing, sinabi ni C/Supt. Mayor na may 25 provincial police directors, limang city police directors, 27 mga kumander ng provincial maneuver units, 147 mga hepe ng pulisya sa mga bayan at 532 mga may iba't ibang posisyon ang nailipat sa ibang puesto.
Binigyang-diin ni C/Supt. Mayor na pagpapakita lamang ito na walang papanigan ang mga pulis. Ang mga pulis na kamag-anak ng mga politiko hanggang sa ika-apat na degree of consanguinity ang ililipat kahit gaano man kaiksi sa kanilang destino.
Kabilang sa apektado si dating Cebu City Police chief Sr. Supt. Marciano Batiancela na papalitan ni Sr. Supt. Benjamin Santos na dating nakatalaga sa Camp Crame. Si Chief Supt. Henry Ranola ng Southern Police District ay pinalitan na rin ni Chief Supt. Billy Beltran. SAklaw nito ang mga lungsod at bayan ng Makati, Taguig, Pasay, Muntinlupa, Paranaque, Las Pinas at Pateros.
Ayon kay G. Mayor, ang anumang paggalaw ng PNP ay kailangang aprubado ng Commission on Elections.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |