|
||||||||
|
||
Walang kaunlarang natamo matapos ang 30 taon ng EDSA
SINABI ng IBON Foundation na matapos ang 30 taon na EDSA People Power 1 ay tanging naging "globalized" ang Pilipinas na dahilan ng ibayong paghihirap. Inihalimbawa ng IBON ang monopolyo sa lupa ay umabot lamang sa 41.7% noong 1980 samantalang umabot sa 52.5% ngayong taong ito.
Ang sektor ng manufacturing ay nakapag-ambag ng 24.8% ng Gross Domestic product noong 1986 subalit sa nakalipas na taon ng 2015 ay umabot na lamang sa 23.2% ng Gross Domestic Product.
Kung noong 1986 ay nakapag-ambag ang sektor ng pagsasaka ng 17.1% ng Gross Domestic Product, sa taong 2015 ay bumaba at umabot na lamang sa 9.5% ng Gross Domestic Product.
Napuna rin ng IBON na noong 1998, kailangan lamang ang halagang P158.50 para sa isang pamilya na may 5 katao at noong 2008, kailangan na ang halagang P 736.80 sa bawat araw.
Samanatala, sa bilang ng mga walang trabaho ay 7.6 milyon noong 1986 at noong nakalipas na taon, hindi kabilang ang Leyte, ay umabot sa 11.56 milyon katao.
Ang pinakamasakit na datos ay ang bilang ng mga manggagawang nangibang-bansa araw-araw noong 1986 ay 1,021 lamang subalit ngayon, sa ilalim ni Pangulong Aquino ay umabot sa 4,662 katao sa bawat araw.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |