|
||||||||
|
||
20160223melo.mp3
|
Senador Grace Poe, kinilala na ang pinagmulan ng mga eroplano
KINILALA na rin ni Senador Grace Poe ang dalawang kumpanya ng eroplanong ginagamit niya sa kampanya. Ang isa sa mga nito ay nagamit na rin ni Pangulong PNoy Aquino.
Ani Senador Poe ang mga ito ay ang Helitrend at San Miguel Corporation na nagpapa-arkila o nagpapahiram ng mga jet na ginagamit sa kampanya.
Ayon sa senador sa idinaos na talakayan, may nagpapahiram at may nagpapa-arkila. Wala umano silang itinatago. Negosyo umano ng Helitrend ang pagpapa-arkila ng eroplano.
Pinahihiram naman sila ng eroplano ng San Miguel Corporation tulad rin ng pagpapahiram nila kay Pangulong Aquino.
May ibibinigay umanong discount sa kanila at sila na ang nagbabayad ng piloto at gasolina. Niliwanag niyang walang conflict of interest sa pagpapahiram ng eroplano at kung gaano kalaki ang discount na ibinibigay sa kanila.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |