|
||||||||
|
||
20160225melo.mp3
|
Pangulong Aquino, nanawagan sa mga kabataan hinggil sa EDSA '86
KAILANGANG malaman ng mga kabataan ang kasaysayan at katuturan ng EDSA People Power Revolution upang maiwasang magharing muli ang diktadura sa ilalim ng Batas Militar.
Sa kanyang talumpati sa ika-tatlumpung anibersaryo ng EDSA "revolution", sinabi ni pangulo Benigno Simeon C. Aquino III na 'di niya malilimutan ang mga kahirapang dinanas ng mga mamamayan ng supilin ng pamahalaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at mga kasama ang mga karapatan ng mga mamamayan at nagpasasa sa yaman ng bayan.
Hiniling niya sa mga kabataang alamin ang naganap noong EDSA kasabay ng pagsulong na dalawin ang museo upang makita at maranasan ang mga naganap noong Batas Militar. Sa ganitong paraan, makikita at mabibigyang-halaga ang kalayaan at demokrasya na naghahari ngayon.
Marahil ay nababatid ng mga kabataan ang sakripisyong dinanas ng mga nakatatanda sa paglaban sa batas militar.
Marahil ay nababatid na ang mga sakripisyo ng mga nakatatanda ng mga kabataan ang bunga ng mga repormang naganap ngayon hanggang sa mga susunod na dekada at makakaiwas na makagawa ng parehong pagkakamali.
Ani Pangulong Aquino, ang mga kabataan ay malayang mangarap, magkaroon ng sariling buhay, maalagaan ang kanilang mga pamilya na mahirap magawa noong Martial Law.
Dalangin umano niyang mapangalagaan ng mga kabataan ang kalayaan sa oras na maunawaan ang kani-kanilang responsibilidad. May mga tao umanong pinapaniwala ang mga kabataan na nakinabang ang bansa sa ilalim ng batas militar.
Mas maraming natamong biyaya ngayon sa pamamagitan ng social services at mga pagawaing-bayan, dagdag pa ni Pangulong Aquino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |