|
||||||||
|
||
Paglilibing sa dating Pangulong Quirino, idinaos kanina
PINAMUNUAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang paglilibing na muli sa labi ni dating Pangulong Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Isang motorcade ang ginawa mula sa Manila South Cemetery sa Makati patungo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang reinternment ay bahagi ito ng paggunita sa ika-125 taong kapanganakan at ika-60 taon ng pagpanaw ni Pangulong Quirino. Hinukay ang labi ng dating pangulo sa kinahihimlayan nito at inilibing na mula sa Libingan ng mga Bayani.
Sumaksi ang mga kamag-anak ng yumaong pangulo sa seremonyas kanina.
Si Pangulong Quirino ang ikatlong pangulong nahihimlay sa pambansang libingan. Sina Pangulong Carlos P. Garcia at Diosdado Macapagal ay inilibing na rin sa Libingan ng mga Bayani.
Namuno si Pangulong Quirino noong 1948 matapos mamatay si Pangulong Manuel Roxas dahil sa atake sa puso.
Isa umanong historical oversight ang naganap sapagkat hindi nailibing sa Libingan ng mga Bayani ang yumaong Pangulong Quirino sapagkat namatay siya matapos maglingkod bilang pangulo ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |