International Committee of the Red Cross, nababahala sa gulo
IKINABABAHALA ng International Committee of the Red Cross ang kaguluhang nagaganap sa Maguindanao, sa mga sagupaan sa pagitan ng mga kawal at mga armadong grupo. Naging dahilan ito ang paglikas ng mga naninirahan sa ilang mga barangay.
Ayon kay Dominic Earnshaw, pinuno ng ICRC sa Cotabato, nababahala sila sa magiging kinabukasan ng mga mamamayang napapagitna sa labanan. Nanawagan din ang ICRC sa magkakalaban na sumunod sa international humanitarian law.
Kailangang umiwas sila sa pananalakay sa mga sibilyang walang laban sapagkat may mga ginagamit na pampasabog na inilalagay sa mga lansangang naging dahilan ng pagkasawi at pagkakasugat.
Upang magamot ang mga nasugatan ng walang pagtatangi, nagbigay ang ICRC ng mga emergency kit at gamot sa health facilities sa Maguindanao, Cotabato City at Sultan Kudarat.
Ang ICRC ay nananatiling walang pinapanigan at isang independent humanitarian organization na tumutulong sa mga taong apektado ng kaguluhan. Umabot na sa higit sa 60 taon ang pamamalagi ng ICRC sa Pilipinas at mula noong 1982 sa Mindanao.
1 2 3 4