|
||||||||
|
||
Ibayong init at tagtuyot ang madarama ng Pilipinas
MALAKI ang posibilidad na uminit pa ang panahon at mas maraming mga lalawigan ang makakaranas ng tagtuyot samantalang patapos na ang El Nino sa mga susunod na buwan.
IBAYONG INIT AT TAGTUYOT MADARAMA PA. Ito ang sinabi ni Bb. Ana Liza S. Solis, isang senior weather specialist mula sa Climate Monitoring and Prediction Section at Climatology and Agrometeorology Division ng PAGASA sa isang panayam kanina. May epekto rin ito sa mga sakahan at palaisdaan, dagdag pa ni Bb. Solis. (Melo M. Acuna)
Sa isang panayam, sinabi ni Ana Liza S. Solis, isang Senior Weather Specialist ng Climate Monitoring and Prediction Section at Climatology and Agrometeorology Division ng PAGASA, na maaaring magtapos sa darating na Hunyo ng taong ito ang El Nino.
Napakainit at tuyo ang panahong ito hanggang sa buwan ng Mayo. Higit sa 30 mga lalawigan ang apektado ng matinding init at tagtuyot. Nabawasan ng may 60% ang buhos ng ulan sa mga lalawigan.
Mas mataas sa normal na init at ito ang mararamdamang panahon ng mga Filipino. Nadarama na ng mga sakahan sa Mindanao ang init at may mga pagkakataong nasusunog na ang mga damong nasa mga bukirin. Pagsapit ng Abril at Mayo ay makakaramdam na rin ng ibayong init ang mga lalawigan sa hilagang bahagi ng Pilipinas.
Idinagdag pa ni Bb. Solis na sa mayroon at walang El Nino ay dumarating ang mas malalakas na bagyo sa Pilipinas tulad ng mga naranasan noong mga nakalipas na panahon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |