|
||||||||
|
||
160315melo.mp3
|
Mga senador, uminit ang ulo sa padinig sa money laundering
MGA MAMBABATAS, UMINIT ANG ULO SA ILANG MGA SOURCE PERSON. Makikita ang mga senador na nag-uusap hinggil sa sinasabing US$ 81 million nakapasok sa Pilipinas sa pamamagitan ng banking cystem. Makikita mula sa kaliwa sina Senador Aquilino Pimentel III, Joseph Victor Ejercito, Sergio Osmena III (nakaupo), Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Juan Edgardo Angara, Teofisto Guingona III and Vicente Sotto III. Tinanggihan ni Senador Guingona ang pagkakaroon ng executive session sapagkat ang pondo ay nagmula sa Pamahalaan ng Bangladesh na hindi gumamit ng confidentiality clause. (Alex Nuevaespana/Senate PRIB)
UMINIT ang ulo ng ilang mga senador ng tumangging magbigay ng detalyes ang mga opisyal ng Rizal Commercial Banking Corporation at nagsabing mayroong bank secrecy law sa pagsisiyasat sa sinasabing money laundering na nagkakahalaga ng US$ 81 milyong na diumano'y ninakaw sa Bank of Bangladesh.
Ipinagtanong ni Senador Teofisto Guingona III sa tatlong opisyal ng bangkko kung ano ang kanilang itinatago sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan.
Pabirong sinabi ni Senador Sergio Osmena III na kailangang ipagsanggalang ng mga opisyal ng bangko ang mga huwad na may bank accounts. Si G. Osmena ang chairman ng Committee on Banks.
Naunang gumamit ng kanyang karapatan against self-incrimination si Maia Santos-Deguito ng tanunging ni Senador Guingona hinggil sa mga account ng apat na may deposito sa sangay ng bangkong kanyang pinamumunuan na umano'y tumanggap ng depositong nakaw mula sa Bank of Bangladesh.
Ginamit din ni Lorenzo Tan, pangulo ng RCBC at siya ring executive officer at Laurinda Rogero na pinuno ng RCBC Anti-Money Laundering Council ang karapatang ito sa pagtatanong nina Senador Guingona at Senador Serge Osmena.
Unang tumanggi ang mga senador na gawing isang executive session ang pagdinig.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |