|
||||||||
|
||
Manager ng bangko, ipinatatawag ng Department of Justice
PINAHAHARAP ng Department of Justice si Maia Santos-Deguito, manager ng Rizal Commercial Banking Corporation upang sagutin ang reklamong kriminal na nagmula sa Anti-Money laundering Council hinggil sa may US$ 81 milyong pondong ninakaw ng computer hackers mula sa Bangladesh Bank.
Sa oras na humarap si Gng. Deguito sa Department of Justice, sinabi ni Asst. State Prosecutor Gilmari Fe Pacamara na mangangailangan silang magsumite ng kanyang sinumpaang salaysay. Nakatakda ang pagsisiyasat sa darating na Martes, ika-19 ng Abril.
Nahaharap din sa reklamo ang ilang John Doe, isang Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez.
Ayon sa reklamo ng AMLC Compliance and Investigation Group, sinang-ayunan ni Deguito ang pagbubukas ng bank accounts ng apat na John Does na diumano'y may mga palsipikadong mga dokumento kaya't nakapasok sa RCBC – Jupiter Branch.
Hindi umano inalam ni Deguito kung totoo ang mga pagkatao ng mga respondent sa loob ng siyam na buwan mula ng mabuksan ang bank accounts. Pinayagan din jniya ang mga John Doe na mag-withdraw ng salaping nakulimbat sa Bangladesh Bank sapagkat mayroong kahilingan ang RCBC na huwag maglabas ng salapi.
Ayon sa AMLC, pinayagan pa ni Deguito at minadali ang paglalabas ng salapi ng mga palsipikadong tao.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |