|
||||||||
|
||
Senador Sotto, nangunguna sa mga kandidato sa pagka-senador
NANGUNGUNA si Senador Vicente "Tito" Sotto III sa survey ng Pulse Asia. Tinustusan ng ABS-CBN ang survey na ginawa mula noong ikawalo hanggang ika-13 ng Marso na nagpakita na mayroong 51.4% si G. Sotto kasama si Senate President Franklin M. Drilon.
Ang nanguna noong unang araw hanggang ika-anim ng Marso na si dating Food Security and Agricultural Modernization Secretary Francis Pangilinan ay nagkaroon ng 45.7%, ang nalaglag sa ikatlo hanggang sa ika-apat na puesto kasama si dating Senador Panfilo Lacson na nagtamo ng 44.9%. Na sa ikalima hanggang ikapitong puesto si dating Senador Juan Miguel Zubiri.
Nasa ikalima hanggang ika-11 puwesto sina Senador Sergio Osmena III na mayroong 35.3% at dating Akbayan party-list congresswoman Risa Hontiveros na mayroong 34.9%. Si Senador Ralph Recto naman ang nagkaroon ng 34.2% samantalang si (dating) Justice Secretary Leila de Lima ang nagkaroon ng 33.3%.
Na sa ika-anim hanggang ika-12 puwesto sina dating Senador Richard Gordon na mayroong 32.7% at Saranggani Congressman Manny Pacquiao na mayroong 32.6%.
Mayroon pang pagkakataong makapasok sa magic circle sina Valenzuela Congressman Sherwin Gatchalian na mayroong 29.8% at dating TESDA chief Joel Villanueva.
Sinabi ng Pulse Asia na sapagkat wala nang halos dalawang buwan bago sumapit ang halalan sa Mayo 9, iisa na lamang sa tatlong Filipino ang may kompletong listahan ng mga senador.
Nagkaroon ng 4,000 respondents na may biometric data ay mayroong plus or minus 1.5% margin of error sa pagkakaroon ng 95% confidence level.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |