|
||||||||
|
||
Pamahalaang Aquino, nangungutang para sa programang 'di napakikinabangan
HIGIT na nangungutang ang pamahalaang Aquino para sa anti-poverty program na hindi naman pinakikinabangan ng karamihan. Ito ang pahayag ng research group na IBON.
Bilyon-bilyong piso na ang nagastos para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula noong 2011 at nananatiling marami pa ring mahihirap.
Pumasa sa Asian Development Bank ang pautang na US$ 400 milyon at World Bank na nagpahiram ng US$ 450 milyon para sa 4Ps. Ang utang ay umabot na sa US$ 1.8 bilyon. Tinataya ng IBON na magbabayad ang pamahalaan ng higit sa US$ 1 bilyon sa debt service para sa initial na US$805 milyong pautang mula sa Asian Development Bank at World Bank.
Ang 4Ps budget ay umabot nasa P 295 bilyon mula noong 2011 hanggang 2016. Ang halagang ito ay para sa 4.4 milyong beneficiaries para sa conditional cash transfer na pumapang-apat naman sa India, Brazil at Mexico.
Ayon sa IBON, hindi naman nabawasan ang bilang ng mahihirap na Filipino sapagkat ayon sa datos ng Philippine Statistical Authority ang official poverty incidence ay bahagyang nabawasan mula sa 27.9% noong unang bahagi ng 2012 at natamo ang bilang na 26.3% sa unang bahagi ng 2015.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |