Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, magpapatuloy ang kaunlaran ayon sa Asian Development Bank

(GMT+08:00) 2016-03-30 18:50:32       CRI

Pilipinas, magpapatuloy ang kaunlaran ayon sa Asian Development Bank

PILIPINAS, MAGPAPATULOY ANG KAUNLARAN. Sinabi ni Bb. Sona Srestha, principal economist ng Philippine Country Office ng Asian Development Bank na isinusulong na malakas na paggasta ng mga mamamayan ang ekonomiya. Ito ang kanyang ibinalita sa isang media briefing kanina. Mayroon ding 1.2 milyong nagtatrabaho sa mga Business Process Outsourcing, dagdag pa ni Bb. Srestha. (Melo M. Acuna)

MAGKAKAROON ng kaunlaran sa larangan ng ekonomiya sa Pilipinas ngayong 2016 hanggang 2017 dala ng malakihang paggasta ng mga mamamayan at investments.

Sa kalalabas na Asian Development Outlook (ADO) 2016, tinataya ng ADB na magkakaroon ng gross domestic product na 6% ngayong 2016 at 6.1% sa susunod na taon. Noong nakalipas na 2015, umabot lamang sa 5.8% ang GDP ng Pilipinas.

Ang Asian Development Outlook ang taunang flagship economic publication ng pangrehiyong bangko.

Sinabi ni G. Richard Bolt, ang ADB country director para sa Pilipinas, samantalang nahaharap sa matitinding hamon ang bansa na kinabibilangan ng mapaminsalang El Nino weather event na nakasama sa sektor ng pagsasaka, at pagkakaroon ng mahinang pangangaingalan sa mga produktong mula sa Pilipinas, nananatiling maganda ang takbo ng ekonomiya.

Ang malawanang kpaggasta ng mga Filipino ang nagpasigla sa ekonomiya ng bansa noong 2015 at umabot sa 70% ng Gross Domestic Product, na kinakitaan ng pag-unlad ng 6.2%. Ang mas mataas na employment rate, pagpasok ng salapi mula sa mga manggagawa sa iba't ibang bahagi ng daigdig at mababang inflation ang nagpasigla sa household spending.

Nagkaroon din ng mas mataas na paggasta ang pamahalaan, partikular sa construction. Ang government consumption ay tumaas ng 9.4% at ang public construction ay kinakitaan ng 20.6% increase. Ang pagbagsak ng exports ang nagpahina sa ekonomiya sapagkat ang mas mababang presyo ng petrolyo at pagkain ang nagpahina sa inflation na umabot sa 1.4% noong 2015.

Ayon kay Sona Shrestha, ang principal economist ng ADB Philippine Country Office ang kasiglahan ng ekonomiya ay dahilan sa malawakang domestic demand kasabay ng magandang performance ng services at manufacturing sectors.

Bagama't bumaba ang bilang ng mahihirap, nananatiling mataas pa rin ito kung ihahambing sa iba't ibang bansa. Malaking hamon para sa pamahalaan ang pagbibigay ng trabaho sa mga kabataan na ang karamiha'y walang hanapbuhay na higit sa doble ng pambansang unemployment rate. Kailangan ding matugunan ang pangangailangan at bilang ng mga handang magtrabaho.

Sa likod ng magandang economic projections nahaharap ang bansa sa mas masidhing El Nino phenomenon. Magiging mahina ang benta ng mga produktong gawa sa Pilipinas dahilan sa hindi pa umaangat na mga ekonomiya ng malalaking bansa.

Niliwanag pa ng dalubhasa ng Asian Development Bank na kahit pa mababa ang youth unemployment, higit ito sa doble ng national unemployment rate sapagkat isa sa bawat apat na kabataan ang walang trabaho, hindi nag-aaral at walang anumang pagsasanay na ginagawa.

Kailangang magkaroon ng higit na hanapbuhay ang mga kabataan, mapayabong at maipagpatuloy ang uri ng kahalagahan ng edukasyon at pagsasanay, mapalakas ang public employment services at matugunan ang mga sala-salabat na batas.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>