Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, magpapatuloy ang kaunlaran ayon sa Asian Development Bank

(GMT+08:00) 2016-03-30 18:50:32       CRI

Ambisyon Natin 2040, inilunsad

MAGINHAWANG BUHAY, PANGARAP NG MGA FILIPINO. Ito ang lumabas sa pag-aaral ng National Economic and Development Authority na sinimulan noong nakalipas na Enero at nagtappos noong unang linggo ng Pebrero na kinatampukan ng may 10,000 nakapanayam sa buong bansa. Ipinaliliwanag ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra na makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga palatuntunan ng mga mamumuno sa pamahalaan. Na sa parawan din si Deputy Director General Rosemarie G. Edillon (kaliwa) ng NEDA. (Melo M. Acuna)

INILUNSAD naman ng National Economic and Development Authority ang datos mula sa kanilang gawin ang survey sa mga mithi ng mga Filipino pagsapit ng 2040.

Sa isang talakayang dinaluhan ng mga kinatawan ng pamahalaan, pribadong sektor at mga mamamahayag, naniniwala ang karamihang magiging matatag at maayos ang buhay na magkakaroon ng sapat na salaping tutugon sa kanilang mga pangangailangan. Nais ng karamihan ng mga lumahok sa survey na kailangang paghandaan ang kanilang kinabukasan sampu na ng kanilang mga supling. Mithi rin ng karamihan ng tumugon sa survey na magkaroon ng sariling bahay at lupang matatawag na kanilang sarili na may sapat na mga kalayaan at masisiyasahan sa patas na pamamalakad ng pamahalaan.

Simple at maayos na buhay ang sinasabing prayoridad ng mga mamamayan.

Sa naturang survey, lumabas na nais ng karamihan na magiging ligtas sa pagkagutom at kahirapan at may patas na oportunidad sa pagkakaroon ng patas na pamahalaan.

Bahagi ng survey na sa taong 2040, ang Pilipinas ay magiging middle-class society. Natuldukan na ang kahirapan at pagkagutom. Ambisyon din ng mga nakalahok sa survey na magkaroon ng sapat na hanapbuhay.

Ayon kay NEDA Director General at Socio-Economic Planning Secretary Emmanuel F. Esguerra, makakamtan ang mga pangarap na ito kung magkakaroon ng tamang pamamalakad at mga palatuntunang magpapaunlad sa bansa.


1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>