|
||||||||
|
||
Mga pagbabago sa Tsina, makaapekto sa rehiyon at daigdig
MAHALAGA ANG NAGAGANAP SA EKONOMIYA NG TSINA. Ipinaliwanag ni G. Donghyun Park, principal economist ng Asian Development Bank na sa laki ng ekonomiya ng Tsina, anumang pagbabagong magaganap ay makakaapekto sa rehiyon at sa daigdig. (Melo M. Acuna)
BINABANTAYAN ng Asia at ng daigdig ang nagaganap na pagbabago sa larangan ng ekonomiya sa Tsina. Ito ang sinabi ni Donghyun Park, ang Principal Economist ng Asian Development Bank sa isang briefing para sa mga mamamahayag kanina.
Ang kaunlarang nagaganap sa "developing Asia" ay bahagyang bababa sa 5.7% ngayon hanggang sa susunod na taon mula sa 5.9% noong 2015. Ang growth rate ng Tsina ngayong 2016 ay aabot sa 6.5% at bababa pa at makakamtan ang 6.3% sa 2017.
Samantala, ang growth rate sa India ay aabot sa 7.4% ngayong 2016 at aabot naman sa 7.8% sa 2017. Ang anumang pagbabago sa kalakaran ng labor productivity ang magpapasigla sa developing Asia.
Samantalang ang pandaigdigang GDP growth ay aabot sa 3.4 hanggang 3.6% ngayong 2016 hanggang 2017, mananatali ang 5.7% growth rate sa Asian region.
Ito ay sa likod ng 2.4% GDP growth ng America sa taong 2015, 2.3% ngayong 2016 at 2.5% sa susunod na taon. Sa Euro area, 1.5% mula noong 2015 hanggang ngayong 2016 at 1.6% sa taong 2017. Sa Japan, nakikita ng ADB na mayroong 0.5% noong 2015, 0.6% ngayong 2016 at 0.5% ang pagtataya sa 2017.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |