Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bakuna sa Dengue, sinimulan na; mga manggagamot, nanawagang maghinay-hinay

(GMT+08:00) 2016-04-05 10:56:14       CRI
INILUNSAD na ng Department of Health kasama ang Department of Education at Interior and Local Government sa Parang Elementary School sa Marikina City ang dengue vaccine.

Sinabi ni Health Secretary Janette Loreto Garin na mahalaga ang pagkakataong naganap sapagkat nailunsad na ang pagbabakuna sa pamamagitan ng School-Based Immunization approach. Ipinagmalaki ni Secretary Garin na ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa na nagpatupad ng pagbabakuna at mapapalawak ang immunization services upang matugunan ang karamdaman na mahalaga sa public health.

Tatlong beses gagamitin ang bakuna sa bawat anim na buwang pagitan. Ibibigay ang unang bakuna sa pagitan ng Abril at Hunyo ng 2016, susundan ng ikalawang bakuna sa pagitan ng Oktubre hanggang Disyembre ng 2016 at mula Abril hanggang Hunyo ng 2017.

Lisensyado ng Food and Drug Administration ang bakuna.

Samantala, nanawagan ang public health advocates at healthcare workers na huwag munang madaliin ang paglalabas ng bakuna sa mga kabataang mula siyam na taong gulang pataas.

Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Dr. Antonio Dans, isang propesor sa University of the Philippines College of Medicine na sa simula pa lamang nababahala na ang may gawa ng bakuna, ang Sanofi Pasteur sa posibleng problemang dulot nito samantalang may posibilidad na bumaba ang bilang ng kaso ng dengue, maaaring tumaas at higit na tumindi ang kalagayan ng mga taong magtatamo nito. Ang "antibody dependent enhancement ay binabantayan ng kumpanyang maygawa ng bakuna.  

 Ito ang sinabi ni Dr. Antonio Dans, isang propesor ng Medisina sa University of the Philippines sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat kaninang umaga.  Pinatutungkulan ni Dr. Dans ang minadaling pagpapatupad ng Dengue immunization program para sa mga kabataan sa Regions III, IV-A at National Capital Region.  Mas makabubuting hinintay na muna ang pahayag ng mga dalubhasa sa world Health Organization na magpupulong ngayong Abril.  (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag pa ni Dr. Dans na sa pag-aaral ng Sanofi Pasteur, maaaring tumaas at tumindi ang karamdaman matapos ang ikatlong taon ng pagbabakuna. Ani Dr. Dans, kahit ang Sanofi at Department of Health ay nababahala sa posibilidad na tumaas ang bnilang ng mga may tunay na dengue.

Idinagdag pa niyang ang pangamba ay sa pagkalat ng severe dengue.

Sinabi ni PhilHealth Independent Board Member Tony Leachon (dulong kanan) na kailangang pangalagaan ang salaping nalikom sa pamamagitan ng sin tax.  Maraming naguguluhan kung saan kinuha ang salaping ibinili ng bakuna sa kumpanyang Frances na kapapasa pa lamang noong Disyembre 2015 at ngayong Lunes, ika-apat sa buwan ng Abril ay ibinibigay na sa mga bata.  (Melo M. Acuna)

Para kay Dr. Antonio Leachon, isang independent representative sa PhilHealth upang suriin kung saan ginagamit ang salaping nalilikom mula sa Sin Tax, ipinagtataka niya kung bakit minamadali ng Department of Health ang pagbabakuna sa mga kabataan samantalang hindi pa natatapos ang pagpupulong ng mga dalubhasa sa World Health Organization ngayong buwan. Bagaman, sinabi ng World Health Organization na wala silang endorsement sa pagbabakuna subalit handang tumulong sa pamahalaan ng Pilipinas. Ipinaliwanag ni Dr. Leachon na wala pang ulat ang Strategic Advisory Group of Experts sa bakuna.

Nanindigan si Leyte Congressman Martin Romualdez na kailangang malinaw sa taongbayan ang detalyes ng bakuna sa Dengue.  Mas makabubuting ipaliwanag ni Health Secretary Janette Garin ang mahahalagang epekto ng bakuna sa mga batang mula siyam na taong gulang sa mga paaralang publiko.  (Melo M. Acuna)

Bilang health advocates, nananawagan si Dr. Leachon sa Department of Health na hintayin ang pagtatapos ng pag-aaral at ilagay sa tamang posisyon ang mga pamantayan upang maipagsanggalang ang mga kabataan sa posibleng masamang epekto ng bakuna sa kanilang kalusugan.

Wala pang official statement ang WHO sa paggamit ng Dengvaxia na maaaring magtagal ng isang taon sa pagsusuri sa mga pasyente at maghintay ng dalawang taon pa para sa prequalification ng bakuna sa WHO.

Ipinaliwanag ni May-I Fabros na kung naghintay ang Department of Health ng isa o dalawang tan sapagkat digit na bababa ang presyo ng bakuna sa pagdami ng suppliers.  Ani Bb. Fabros, umabot sa P 3.5 billion ang halaga ng bakunang bindli sa Sanofi. (Melo M. Acuna)

Sinabi naman ni May-I Fabros ng WomanHealth Philippines, na kung ipagpapatuloy ng pamahalaan ang programa, nararapat mabatid ng mga magulang ang peligrong dulot ng ADE na hindi naman sinasabi sa consent forms na ipinadadala sa mga magulang. Kasama rin si Fabros sa Alternative Budget Initiative for the Health Cluster na nagbabantay sa paggasta ng pamahalaan sa kalusugan.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>