|
||||||||
|
||
Defense Secretary Carter, dadalaw sa Pilipinas
NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas si US Defense Secretary Ash Carter para sa Balikatan exercises.
Ito ang sinabi ni Lt. General John Toolan, ang US Exercise Director sa isang press briefing. Magsusuri si G. Carter sa gagawing pagsasanay.
Gagamitin din ang M143 High Mobility Artillery Rocket System o HIMARS, isang US light multiple rocket launcher na nakalagay sa isang standard army medium tactical vehicle truck frame na may kakayahang makarating sa layong 300 kilometro.
Si G. Carter ang unang Defense Secretary ng America na dadalo sa Balikatan. Mamamalagi si G. Carter sa karagatan subalit walang sinabi kung sa South China Sea.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Major General Rodolfo Santiago, assistant exercise director para sa Balikatan, na dadalaw si G. Carter sa Palawan at dadalo sa closing ceremonies.
May 10,000 mga kawal na Americano, Filipino at Australian ang lalahok sa pagsasanay na sinimulan kanina sa Campo Aguinaldo. May mga kawal na Japones na magmamasid sa pagsasanay tulad rin ng mga kawal sa Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand, India, South Korea at Timor Leste.
Nakatakda ang pagsasanay hanggang sa ika-15 ng Abril sa Antique, Panay, Palawan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Zambales.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |