|
||||||||
|
||
Sinaunang Buddhist manuscripts, itinanghal kahapon
PINANGASIWAAN ng Seng Guan Buddhist Temple at ng Bahay Tsinoy, ang museo ng mga Tsino sa Pilipinas, ang Philippine leg ng MS Ancient Tipitaka Pilgrimage sa ASEAN kahapon.
Magkasamang itinaguyod ng Seng Guan Buddhist Temple at Bahay Tsinoy ang pagtatanghal ng mga sinaunang artikulong natagpuan sa Afghanistan noong 2001. Na sa wikang Sanskrit ang mga nakasulat sa dahon ng palmo, balat ng kahoy, balat ng hayop at tanso noon pa mang ikalawang siglo. Nakalagay ito sa banga sa isang buddha na nasa bangin. Dadalhin din ang mga mahahalagang artikulong ito sa iba't ibang bansa sa ASEAN. (Bahay Tsinoy Photo)
Ang apat na pirasong sagradong manuscripts ng Gandharan Buddhist manuscripts na ginawa noong ikalawang siglo, ay nakasulat sa Sanskrit sa dahon ng palmo, sa katawan ng puno, balat at tanso.
Nadiskubre ang mga ito sa mga banga sa isang kweba sa Bamiyan Valley sa Afghanistan. Nadiskubre ang mga banal na nasusulat na ito matapos ang matinding paninira ng Taliban sa mga nakaukit na Buddha, na nasa isang bangin noong Marso ng 2001.
Ayon kay Thai Buddhist Minister Venerable Phrambommasith, na nanguna sa 16-kataong delegasyon sa Pilipinas, na ang mga sagradong sulat na ito ang nagpapakita ng pagkakaisa ng sangkatauhan.
Isang pag-uusap ang naganap kamakalawa sa mga kinatawan ng Simbahang Katolika sa pamumuno ni Fr. Carlos V. Reyes, director ng Ministry of Ecumenical Services (Affairs), pinuri ng dumadalaw na opisyal na Thai ang Pilipinas sa pagtataguyod ng interfaith dialogue upang maganap ang kapayapaan at katahimilan sa daigdig.
Dadalhin din ang mahahalagang scripts sa Brunei.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |