Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga magsasaka, nananatiling nakapiit

(GMT+08:00) 2016-04-08 18:30:47       CRI

Mga magsasaka, nananatiling nakapiit

MGA ABOGADO NG PAMAHALAAN, TUMUTULONG SA MGA MAGSASAKA. Ito ang sinabi ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta sa CBCPNews halo pa't napipiit ang may 80 mga magsasaka matapos ang madugong dispersal operations noong unang araw ng Abril. Magpipiyansa ang bawat akusado ng P 2,000 para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (File Photo/Melo Acuna)

KAHIT wala ng tensyon sa Kidapawan City, nananatiling nasa piitan ang may 43 magsasakang ipinagsumbong ng paglabag sa batas. Magugunitang naging marahas ang dispersal operations ng barikada ng mga magsasaka sa national highway sa pagitan ng mga lungsod ng Davao at Cotabato noong nakalipas na Biyernes.

Ayon kay Fr. Lito Garcia, apostolic administrator ng Diocese of Kidapawan, hinilingan siya ng mga nasa likod ng mass action noong nakalipas na Lunes na tulungan silang makapasok ang mga bigas at iba pang pagkaing mula sa iba't ibang non-government organizations at mga simbahan.

Noong nakalipas na Martes, hiniling naman ni Mayor Joseph Arellano Evangelista kay Fr. Garcia na tulungang makaalis ng payapa ang mga pulis at militar sa lungsod.

Idinagdag ni Fr. Garcia na maraming mga tauhan ng pulisya ang lumisan noong Martes sapagkat higit sa sampung sasakyan ang kanilang ginamit. Wala ng tensyon sapagkat wala ng security checks sa mga magsasaka at sumama sa rally.

Nabatid na hindi pa bumabalik sa kanilang mga barangay ang mga nag-rally sapagkat wala pa namang nakararating na tulong mula sa Department of Agriculture at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta na tumutulong na ang mga tauhan ng kanyang tanggapan sa Kidapawan. Iminungkahi rin ni Atty. Acosta na mas makabubuti kung magtulungan ang mga ngo at mga kinatawan ng simbahan sa paglikom ng P 2,000 piyansa para sa mga magsasakang nakapiit.

Ipinaliwanag naman ni Fr. Garcia na tumutulong sa mga magsasaka apketado ng El Niño ang misyonerong si Fr. Peter Geremia mula sa Pontifical Institute for Foreign Missions.

Sa mensaheng ipinadala ni Fr. Geremia sa CBCPNews, nabatid na 30 babae at 48 mga lalaki ang kinasuhan ng assault samantalang mayroong tatlong iba pa at ilang John Does ang ipinagsumbong ng frustrated homicide.

Ayon naman kay Chief Supt. Wilben Mayor, pinuno ng PNP Public Information Office, 80 katao ang ipinagsumbong ng Direct Assault Against Agents of Persons in Authority.

Hindi nakadalo si Fr. Garcia sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights kahapon sa University of Southeastern Philippines upang mabatid ang katotohanan sa kaguluhang naganap sa Kidapawan City. Ayon kay Fr. Garcia, hindi naman siya inanyayahang dumalo sa pagdinig.

Pag-uusapan sa Lunes, ika-11 ng April ang naganap sa Kidapawan sa lingguhang Tapatan sa Aristocrat at dadaluhan ng mga kinatawan ng Department of Agriculture, Social Welfare and Development at Interior and Local Government kasama ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, CBCP-NASSA at SL Agritech.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>