|
||||||||
|
||
Vice President Binay, nagpasalamat sa pagtataguyod ng mga Ampatuan
NANINDIGAN si Vice President Jejomar C. Binay sa kanyang pagtanggap ng endorsement ng kanyang presidential candidacy mula sa mga Ampatuan. Ibinalik niya ang endorsement sa pagtatataguyod sa isa sa mga kandidato sa pagka-alkalde samantalang nahaharap sa usaping nag-ugat sa 2009 Maguindanao massacre.
Sa kanyang pakikipag-usap sa mga mamamahayag na sumabay sa kanyang kampanya, sinabi ni Vice President Binay na malaki ang kanyang ipinagwagi noong 2010 kaya't 'di niya matatalikdan ang endorsement ng kontrobersyal na angkan. Dumalaw si G. Binay sa Maguindanao noong nakalipas na linggo.
Inindorse rin ni G. Binay ang kandidato sa pagka-alkalde sa Sharrif Aguak na si Sajid Ampatuan, ang pinakabunsong anak ng namayapang si Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., na isinangkot bilang mastermind sa masaker na ikinasawi ng 58 katao na kinabibilangan ng 32 mga journalists sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.
Ipinaliwanag ni G. Binay na napiit si Sajid Ampatuan ng limang taon at sa kakulangan ng ebidensya, pinayagan siyang magpiyansa. Ipinaliwanag pa niyang binibigyan ng karapatan ang isang akusadong magpiyansa kung mahina ang ebidensya.
Si Sajid na tumatakbo bilang kandidato ng UNA ay pinalaya noong Marso 2015 matapos magpiyansa ng halos P12 milyon samantalang nananatiling nakapiit ang kanyang mga kapatid.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |