|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangulo ng Asian Development Bank, tatakbong muli
SINABI ni Asian Development Bank President Takehiko Nakao na layunin niyang tumakbong muli upang maglingkod na pangulo sa susunod na limang taon. Magtatapos ng kanyang termino sa darating na ika-23 ng Nobyembre 2016.
Ang mga pangulo ng ADB ay nagmumula sa nomination ng ADB regional members at inihahalal ng Board of Governors.
Sinabi ni G. Nakao na samantalang marami ng nagawa ang rehiyon sa larangan ng pagpapaunlad ng ekonomiya at pagbabawas ng kahirapan, mayroon pang 450 milyong mamamayan ang malubhang naghihirap. Kailangan ding bigyang halaga ang gender equality at mabigyang halaga ang pagkilos sa pagbabago ng panahon. Kailangan ding mapagibayo at mapaunlad ang private sector.
Kung mahahalal na muli, sinabi ni G. Nakao na ipagpapatuloy niya ang pagharap sa mga pangangailangan ng umuunlad na bansa sa Asia – Pacific region.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |