Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Problema ng mga magsasakang hirap dala ng El Nino nalantad

(GMT+08:00) 2016-04-11 18:40:09       CRI

MATINDING problema ang kinakaharap ng mga magsasaka sa Mindanao dala ng tagtuyot na kilala sa pangalang El Nino. Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni Jerome Succor Aba, tagapagsalita ng Suara Bangsamoro, na matagal nang sinabi ng pamahalaan na magkakaroon ng tagtuyot subalit hindi kaagad kumilos upang maibsan ang hirap ng mga umaasa sa pagtatanim para sa kanilang kabuhayan.

NAPIGILAN SANA ANG GULO KUNG... Sinabi ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Chairman Rafael Mariano na kung kumilos kaagad ang pamahalaan sa problema ng mga magsasaka, hindi na sana nauwi sa kamatayan at pagkakasugat ng maraming iba pa.  (Melo M. Acuna)

Ipinaliwanag ni Rafael Ka Paeng Mariano (Chairman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas) na sapat naman ang salapi ng pamahalaan, partikular ng Department of Agriculture subalit sa 'di mabatid na dahilan ay 'di napakikinabangan ng mga magsasaka sa kanayunan.

MAY SAPAT NA SALAPI ANG PAMAHALAAN.  Ito ang sinabi ni Social Welfare and Development Undersecretary Vilma Cabrera na may sapat na salapi ang pamahalaan upang tumugon sa anumang krisis.  Naghihintay lamang umano sila ng tawag mula sa tanggapan ni North Cotabato Governor Lala Mendoza upang makapaglabas ng bigas atbp.  (Melo M. Acuna)

Sa panig ni Social Welfare and Development Undersecretary Vilma Cabrera, may nailaan na silang salapi at napakinabangan na ng mga naging biktima ng kaguluhan sa Kidapawan City noong unang araw ng Abril. Nabigyan na rin nila ng salapi at foodpacks ang mga natipon sa lungsod para sa kanilang pagpoprotesta.

Wala umano silang natanggap na tawag o liham man lamang mula kay Governor Lala Taliño – Mendoza na nangangailangan ang kanyang lalawigan ng bigas at iba pang kailangan. Mayroong angkop na salapi at bigas para sa mga mangangailangan. Ipinaliwanag pa niyang may ugnayan na ang Department of Social Welfare and Development at ang National Food Authority sa paglalabas ng bigas sa kanilang mga bodega.

Para kay G. Edilberto Guyano ng Catholic Bishops Conference of the Philippines' National Secretariat for Social Action, Justice and Peace, na inaalam pa nila ang detalyes ng mga biktima upang makatulong sa pinakamadaling panahon.

HYBRIB MAN O HINDI, KAILANGAN PA RIN NG TUBIG.  Ipinaliliwanag ni G. Henry Lim Bon Liong, chief executive officer ng SL Agritech na napakahalaga ng tubig kahit na sa hybrid rice.  Nanawagan siya sa kinauukulan na pasiglahin ang pagpapatubig.  (Melo M. Acuna)

Naniniwala naman si G. Henry Lim Bon Liong na sa pamamagitan ng hybrid rice madodoble ang kita ng mga magsasaka tulad ng mga magbubukid sa Nueva Ecija na magdiriwang sa darating na Lunes, ika-18 ng Abril dahil sa malaking ani. Subalit niliwanag din ni G. Lim na kahit na hybrid rice ay mangangailangan ng tubig.

Nararapat lamang palakasin ang programa ng pamahalaan sa pagpapatubig upang madagdagan ang kita ng mga nagsasaka na umaasa sa pagtatanim.

Nagkaisa sina G. Aba at Mariano na naiwasan nasa ang madugong pangyayari noong unang araw ng Abril kung kumilos kaagad ang tanggapan ni Governor Mendoza.

Ikinalungkot nina G. Aba at Mariano ang impormasyong nagagalit pa si Governor Mendoza sa pagpasok ng tulong sa Kidapawan sapagkat insulto umano sa kanya ang pagtulong ng mga na sa labas ng North Cotabato.

Magugunitang kahit ang artistang si Robin Padilla ay nagpadala ng kanyang tulong sa mga magsasakang nagbarikada sa national highway sa pagitan ng Davao at Cotabato cities.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>