|
||||||||
|
||
Industriya ng mga sasakyan, lumago ng 22% sa unang tatlong buwan ng 2016
PATULOY na lumalago ang industriya ng mga sasakyan sa Pilipinas at nalampasan ang tala ng mga sasakyang nabili sa pamamagitan ng 76,479 units. Kinakitaan ito ng 22% kaunlaran sa natamo noong unang tatlong buwan ng 2015 na 62,882 units.
Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines at Truck Manufacturers Association, ang benta noong nakalipas na Marso ay 27,521 units at mas mataas ng 9% kaysa noong Pebrero na umabot sa 25,150 units.
Maganda ang benta ng mga passenger cars at commercial vehicles na sinabayan ng mga bagong modelo at marketing promotions at campaigns.
Ang passenger cars ay umabot sa 29,796 units sa unang tatlong buwan na halos 19% increase noong nakalipas na taon.
Ang passenger cars sales ay tumaas din ng 38% na mayroong 11,345 units kung ihahambing sa 9,819 units noong Marso ng 2015.
Ang commercial vehicles ay nagkaroon ng bentang 16,176 units noong Marso at 23% mas mataas sa benta noong Marso ng 2015. May pag-angat ito ng 5% sa benta noong Pebrero. Kasama sa mga nabili ang heavy duty trucks at bus.
Ikinatuwa ni Atty. Rommel Gutierrez, pangulo ng CAMPI ang pangyayaring ito.
Nanguna pa rin ang Toyota Motor Philippines na mayrong 39.92%, Mitsubishi Motors na mayroong 19.20%, pangatlo ang Ford Motor Company na 10.31% share. Pang-apat ang Isuzu Philippines Corporation na nagtamo ng 8.61% samantalang panglima ang Honda Cars Philippines na nagtaglay ng 8.31% market share.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |