|
||||||||
|
||
Ekonomiya ng Pilipinas, matatag pa kahit mabuway ang sa daigdig
ANG maayos na pagpapatakbo ng ekonomiya at mga pagbabago sa istruktura ang dahilan ng katatagan ng Pilipinas at Silangang Asia at Pacific Region.
Ito ang sinabi ng World Bank sa kanilang pahayag na inilabas kanina. Higit umanong gaganda ang takbo ng ekonomiya mula ngayon hanggang 2018.
Ang kaunlaran sa Silangang Asia ay inaasahang bababa mula sa 6.5% noong 2015 at matatamo ang 6.3% sa 2016 at 6.2% sa 2017-2018. Sa forecast na ito, nakikita ang pagbagal subalit mas matatag na kaunlaran sa Tsina at inaasahang 6.7% ngayong 2016 at 6.5% sa 2017 kung ihahambing sa 6.9% noong 2015.
Ayon kay Victoria Kwakwa, ang papasok na World Bank East Asia and Pacific Regional Vice President, ang umuunlad na silangang Asia ay patuloy na nakakaambag sa pandaigdigang kaunlaran. Ang rehiyon ay nagkaroon ng halos two-fifths ng pandaigdigang kaunalran noong 2015 at higit sa dalawang ulit na naiambag ng iba pang mga umuunlad na bansa.
Ang rehiyon ay nakinabang sa maingat na macroeconomic policies na kinabibilangan ng pagtatangang madagdagan ang kita mula sa loob ng sariling revenue sa ilang mga naglalabas ng mga produkto.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |