|
||||||||
|
||
maarte/20160426.m4a
|
Mga kaibigan, kapag sinabing musical, ano ang unang pumapasok sa isip ninyo? The Phantom of the Opera, Mama Mia! Cats, o iba pang klasikong obra ng Broadway?
Ngayon, sa Tsina, mayroon na kaming sariling musical----"Pan Jinlian." Ang theme song ng musical na ito ay pinamagatang "Distance between Love and Injury."
Ang "Pan Jinlian" ay batay sa "Water Margin," isa sa 4 na pinakabantog na novel sa Tsina. Ang "Water Margin" ay kuwento ng uprising ng 108 lalaki mula sa iba't ibang kanayunan ng Tsina. Ang "Pan Jinlian" ay tungkol sa pagpatay ni Wu Song, isa sa nasabing 108 lalaki, sa asawa ng kanyang kapaitd na lalaki. Ang babaeng pinatay ay si Pan Jinlian.
Si Pan Jinlian ay ambisyosa at magandang babae. Pero, napilitan siyang magpakasal sa isang pangit at mahirap na lalaki, si Wu Dalang.
Pagkaraang magpakasal, kaakit-akit pa rin si Pan para sa maraming lalaki. Sinubukang i-seduce ni Pan si Wu Song, kapatid ni Wu Dalang. Si Wu Song ay kilala dahil sa pagpatay niya sa isang tigre, sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. Pero, hindi nagtagumpay si Pan kahit may crash si Wu Song sa kanya. Sa bandang huli, si Pan ay naging kabit ni Xi Menqing, at magkasama nilang nilason si Wu Dalang. Natuklasan ito ni Wu Song, at pinatay niya si Pan Jinlian.
Mayroon bang pagbabago sa musical na ito kumpara sa tradisyonal na kuwento? Oo, iba ang pokus. Ayon kay Wan Jun, Direktor ng musical, sa tradisyonal na kunwento, ang pokus ay ang kasamaan nina Pan Jinlian at Xi Menqiang, at pagpatay sa kanila. Pero, sa musical. mas maraming pokus sa pagpapakita ng dahilan ng aksyon ng mga bida, at gusto nilang talakayin sa musical kung ano ang pagkakaiba ng pagdama ng pag-ibig at pagdama ng sakit.
Ano ang isang magandang musical?
May komong katangian ang magagandang musical. Unang una, dapat maganda ang musika, sayaw, at settings para bigyan ang mga manonood ng magandang visual impact. Ikalawa, ang magandang musical ay nakaapekto sa emosyon at damdamin ng mga manonood. Nauunawaan ng audience ang nasa isip at pag-arte ng mga karakter. Ikatlo, pagkaraang mapanood ang isang magandang musical, dapat may impluwensya ito sa isipan at sariling pamumuhay o philosophy ng mga manonood.
Ang musical ay binubuo ng maraming uri ng musika, Classic, folk songs, rock&roll, at electronic music. Bukod dito, mayroon ding mga elementong Tsino. Ginamit din ang flute, Chinese lute, at xiao, isang vertical bamboo flute. Sa mga sayaw, nariyan din ang mga elementong Tsino.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |