|
||||||||
|
||
Idinaos kamakailan ang "Sino-German Music Bridge Concert." Sa panayam ko sa mga estudyante ng Chinese Central Conservatory of Music at iba pang manonood, nag-aalala sila kung magpapatuloy ang paggamit ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino sa mga pagtatanghal.
Mga kaibigan, kilala po ba ninyo ang Erhu? Ito ay isang tradisyonal na instrumentong Tsino. Ang Erhu ay isang two stringed bowed instrument na may mababa at mahinhing tunog. Napakahusay ng Erhu sa pagpapahayag ng damdamin. Ang tunog nito ay malapit sa tinig ng tao at dahil dito, ito'y isang instrumentong malimit na pakinggan. Sa kanluran, tinatawag itong biyoling Tsino.
Nakapagpapahayag ang Erhu ng iba't ibang damdamin ng tao, nguni't pinakamahusay ito sa pagpapahayag ng makabuluhang emosyon.
Pagdating sa accordion, tiyak na hindi ito strange sa inyo. Ito ay isang international na instrumento.
Ang "Perfect Storm" ay bandang itinatag ng dalawang estudyante ng Central Conservatory of Music. Sila ay sina Shang Zujian at Xu Xiaonan.
Bakit nila itinatag ang bandang ito?
Ayon kay Shang Zujian, itinatag ang banda para mas mabuting mapalaganap ang muling paggamit ng Erhu.
Halos lahat ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino ay boring kapag mag-isang tinutugtog, at minsan hindi sapat ang kanilang mga tunog para sa mga bagong musika. Ang pagsasanib ng dalawang instrumento ay para suplementuhan ng modernong element ang Erhu, at para mapalawak ang paggamit nito sa musika.
Ngayon, mas maraming obra ang ginawa ng "Perfect Storm," at mas mahusay ang pagtutulungan ng dalawang estudyante.
Noong Agosto 2012, sa Spoleto, Italya, ang bandang "Perfect Storm" ay nagtamo ng ikalawang puwesto sa 65th World Accordion Campionships.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |