Davao City Mayor Duterte, Congresswoman Leni Robredo, nangunguna
PATULOY na dumarating sa Commission on Elections ang pinakahuling detalyes ng halalang ginawa kahapon. Sa pagkakabilang ng higit sa 42 milyong boto o 75.65% ng higit sa 55 milyong botante, nangunguna pa rin si Mayor Rodolfo Duterte sa pagkakaroon ng 15,439,384 na boto o 38.66%, pangalawa si Secretary Manuel Araneta Roxas II na angtamo ng 23.24% o 9,322,592 boto, pangatlo naman si Senador Grace Poe na nagkaroon ng 21.65% o 8,645,306 na boto. Pang-apat naman si Vice President Jejomar C. Binay na nagtaglay ng 12.84% na mayroong 5,126,607 na boto. Panglima si Senador Miriam Defensor Santiago na nagtaglay ng 3.45% o 1,377,135 votes.
Sa pagka-pangalawang pangulo, nangunguna si Congresswoman Leni Robredo sa pagkakaroon ng 35.06% o 13,519,046 na boto, pangalawa naman si Senador Ferdinand Marcos Jr. sa pagkakaroon ng 34.56% o 13,327,023 na boto. Pangatlo si Senador Alan Peter Cayetano na nagtamo ng 14.33% o 5,524,017 at pang-apat naman si Senador Francis Escudero na nagtaglay ng 12.06% at 4,649,799 votes at panglima si Senador Antonio Trillanes IV sa 2.10% o 810,278 na boto at pang-anim si Senador Gregorio "Gringo" Honasan na nagtamo ng 1.89% o 730,477 na boto.
1 2 3 4 5