Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Halalan sa Pilipinas, nagsimula na; pito katao ang nasawi sa ambush sa Cavite

(GMT+08:00) 2016-05-09 18:44:27       CRI

NAGBUKAS ang halos 370,000 mga presinto sa buong bansa kaninang ika-anim na umaga. Magsasara ang mga presintong ito sa ganap na ikalima ng hapon.

PARANG PIYESTA.  Ito ang isa sa mga karaniwang makikita sa mga lansangang malalapit sa mga presinto sa buong bansa.  Mga propaganda materials ng iba't ibang kandidato ang matutunghayan.  Isang paraan ito upang matandaan ng mga botante ang pangapan ng mga kandidato.  (Melo M. Acuna)

Ayon sa Commission on Elections, umabot sa 92,509 na clustered precincts ang matatagpuan sa buong bansa at mayroong 36,788 voting centers. Ngayong 2016, umabot sa 54,363,844 na botante ang nakatala at hamak na mas malaki ito sa 50,653,828 noong 2010 at 51,345,478 naman noong 2013.

MGA PULYETOS MULA SA MGA KANDIDATO .  May mga namamahagi ng mga propaganda materials mula sa mga pamaypay hanggang sa mga sample ballot sa mga votante tulad ng ginagawa ng babaeng ito.  (Melo M. Acuna)

Karaniwang mas mataas ang porsiyento ng mga botante sa bawat halalan sa panguluhan at pangalawang pangulo. Bagaman, nangangamba si Commision on Elections Chairman Andres D. Bautista na sa init na panahon na umabot na sa 96 Degrees Farenheit o 36 Degrees Celsius ay baka mabawasan ang mga boboto sa mga paaralang pangpubliko.

MGA PROPAGANDA, BAWAL SA PRESINTO.  Sinasamsam ng mga pulis ang mga propaganda ng mga kandidatong papasok sa mga presinto.  Bawal magdala ng ganitong materyales sa mga presinto.  Inilalagay sa mga sako ay isinasa-isang tabi upang huwag mapakinabangan.  (Melo M. Acuna)

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito, umabot na sa 633 katao ang nadaluhan ng Philippine Red Cross sa kanilang mga pasilidad sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ayon kay Secretary General Gwen Pang, may 624 ang kanilang dinaluhan pasyente na nagpatingin ng kanilang blood pressure, May pitong iba pa na nahilo, nagsuka, nagkasugat sa ulo, sumakit ang tiyan, at nagdudumi. Isa ang nagkaroon ng epileptic seizure. Isa naman ang kainailangang isugod sa pagamutan dahil sa taas ng presyon.

Mayroong 6,000 bag ng dugong nakahanda ang Philippine Red Cross sa iba't ibang pook na kinikilala ng Commission on Elections na "hot spots" o mga pook na maaring katagpuan ng kaguluhan.

PAGBAHA, POSIBLE.  Malaki ang posibilidad na bumaha na naman sa Metro Manila sa oras na pumasok sa mga imbornal ang mga propaganda materials na inalis sa labas ng paaralang may mga presinto.  Bawal ang mga ito kaya't inalis ng kinauukulan.  (Melo M. Acuna)

Ayon naman kay Health Secretary Janette Loreto Garin, kumunsulta na ang 20 katao sa Camarines Sur, walo sa Negros Island Region at apat sa Caloocan City sa National Capital Region dahil sa kanilang mataas na presyon.

Pinangangambahang ang mga biktima ng pagtaas ng blood pressure ay dahil sa init ng panahon.

Nanawagan si Secretary Garin sa madla na lumapit lamang sa kanilang mga kubol sa malalaking paaralan.

MGA KABATAAN NG SIMBAHAN, TUMUTULONG SA HALALAN.  Mga volunteer mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang tumutulong sa mga botante na matagpuan ang kanilang mga presinto upang makaboto.  Karaniwang serbisyo ito upang madali ang pagboto.  (Melo M. Acuna)


1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>