Kontrobersyal na punongbayan, sumuko na sa pulisya
SUMUKO na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, Sr. sa pulisya bago sumapit ang deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte dahilan sa sinasabing koneksyon sa illegal drugs.
Ayon sa Malacanang, nasa pag-iingat na ni PNP Director-General Ronald Dela Rosa mula kaninang umaga ang punongbayan. Hindi pa nga lamang sumusuko ang anak ni Mayor Espinosa. Ipinababaril na ni Pangulong Duterte ang mag-ama kung hindi susuko sa mga autoridad.
Naunang nadakip ang dalawang bodyguards at tatlong kawani ng mayor ng pulisya sa isang buy-bust operation.
1 2 3 4