|
||||||||
|
||
Senador Recto, nanawagan kay Pangulong Duterte
MAS makabubuting wakasan na rin ng pamahalaan ang sistema nitong gumagamit ng mga kontrata sa may 120,000 kawani. Nanawagan si Senate Minority Leader Ralph Recto sa Duterte Administration na tapusin na rin ang ENDO sa pamahalaan.
Higit na gaganda ang takbo ng pamahalaan kung tatanggaping regular employes ang mga contractual na kawani ng pamahalaan. Ito ang kasunod ng pagbabanta ni Pangulong Duterte na ipasasara at ipakukulong ang mga lalabag sa kanyang kautusang wakasan ang ENDO sa mga pribadong kumpanya.
Naunang sinabi ni Pangulong Duterte na mas makabubuting magsara na ang mga kumpanyang hindi makasusunod sa kanyang pamamalakad.
Ayon kay Senador Recto, magiging magandang halimbawa ang pamahalaan sa pagtanggap sa mga casual workers na kayang maging eligible sa ilalim ng civil service.
Maihahambing ang bilang ng mga contractual government employees sa Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army), nararapat magkaroon ng imbentaryo ng mga temporary state workers, kabilang na ang mga nagtatrabaho sa ilalim ng "job orders." Marapat na maging regular na ang mga ito, dagdag pa ng mambabatas.
Sa pagbibilang ng Civil Service Commission, noong 2010 ay nagkaroon ng 21,315 contractual employees at 97,951 casuals. Ani Senador Recto, pagsinuma mo ang dalawa ay aabot nasa 120,000.
Hindi pa kasama rito ang mga dumaan sa job order, ang mga binabayaran sa ilalim ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng pamahalaan at ang mga dumaan sa sub-contractors tulad ng mga security guard at maintenance o utility workers.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |