Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Minimithing katarungan, posibleng makamtan

(GMT+08:00) 2016-08-16 18:26:30       CRI

Mga biyaherong sumasakay ng bus, problemado

NAPIPINTONG magkaproblema ang mga naglalakbay mula sa mga lalawigan sa kanilang pagdating sa Metro Manila sapagkat ipagbabawal na ng Metro Manila Development Authority and pagpasok ng mga bus mula sa mga lalawigan sa oras na matapos ang rationalization program ng pamahalaan.

Nagkasundo ang mga punonglungsod ng Metro Manila na ipagbawal ang mga bus mula sa mga lalawigan sapagkat nais ng pamahalaang mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa Epifanio Delos Santos Avenue. Mayroon umanong 85 mga kumpanya ng bus na may mga terminal sa Cubao at Balintawak sa Quezon City, sa Earnshaw, Doroteo Jose at Espana sa Maynila, Taft at Buendia Avenues sa Pasay City.

May 3,000 mga bus mula sa mga lalawigan ang dumaraan sa EDSA araw-araw samantalang may 12,000 mga bus sa Metro Manila ang naglilingkod sa may 12 milyong mga mamamayan.

Nakabimbin pa rin sa Korte Suprema ang petisyon ni dating Albay Governor Jose Sarte Salceda na humihiling na pagbawalan ang ehekutibo na huwag papasukin ang mga bus mula sa mga lalawigan sa Metro Manila.

Nabuo umano ang desisyon ng walang konsultasyon sa mga sektor na apektado ng balak. Napapaloob sa G. R. 213786 ang mga argumento ni Governor Salceda sa ngalan ng mga sumasakay na nagdadala ng mga pagkain at kagamitan mula sa mga lalawigan.

Ayon sa Judgment Division ng Korte Suprema, nasa Third Division ang usapin sa ilalim ni Division Chair Associate Justice Presbitero J. Velasco, Jr.


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>