|
||||||||
|
||
Obligasyon ng Pangulong pangalanan ang mga taong umano'y sangkot sa illegal drugs
IPINAGTANGGOL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbubunyag ng mga pangalan ng mga diumano'y sangkot sa illegal drug trade sapagkat obligasyon niya ito bilang pangulo.
Inilabas ni Pangulong Duterte ang kanyang pahayag kasunod ng pagliham ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na naglalaman ng kanyang pagkabahala sa pagbubunyag ng higit sa 150 opisyal ng pamahalaang kinabibilangan ng mga hukom na sangkot sa illegal drug trade.
Hindi naman umano siya nag-aakusa, hindi rin criminal information at iyo'y kanyang mga kataga laban sa sabi ng iba. Ginawa lamang umano niya ang paghahayag upang mabatid ng publiko kung gaano kalala ang sangkot sa illegal drug trade.
Ito ang kanyang pahayag sa isang panayam kagabi. Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na liliham siya kay Chief Justice Sereno bilang paggalang sa Korte Suprema.
May mga hukom umanong nakiki-alam sa mga usaping may kinalaman sa illegal drugs. Nasa talaan na umano ang mga pangalan may limang taon na ang nakalilipas.
May lalabas pa umanong listahan ng mga taong sangkot sa illegal drugs, dagdag pa ni Pangulong Duterte.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |