Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, hindi aalis sa United Nations

(GMT+08:00) 2016-08-22 18:46:22       CRI

Saksi sa pagdakip sa mag-ama, humarap sa Senado

ISANG maluha-luhang nagdadalang-tao ang humarap sa pagdinig ng Senado at naglahad ng kanyang nakita kung paano pinahirapan ng pulis ang kanyang kinakasama at ang kanilang dalawang taong gulang na anak na babae sa isang buy-bust operation noong nakalipas na Hulyo.

Sa pagdinig na isinahimpapawid ng mga himpilan ng radyo't telebisyon, sinabi ni Harra Kazuo na noong gabi ng Miyerkoles, ika-anim ng Hulyo, tatlong pulis ang pumasok sa kanilang tahanan sa Pasay City at hinanap ang kanyang kinakasamang si JP Bertes.

PAGDINIG SA EXTRAJUDICIAL KILLINGS, SINIMULAN.  Makikita si Senate Committee on Justice Chairman Leila de Lima (dulong kaliwa) na nakikinig sa mga saksi sa idinaos na pagsisiyasat ng kanyang komite sa sinasabing extrajudicial killings na nagsimula kamakailan. (SENATE PRIB Photo)

Nagtanong ang mga pulis kung saan naroon ang mga bawal na gamot. Inamin ni Kazuo na isang drug pusher ang kanyang kinakasama at nagsabing handa nang siyang isuko sa mga autoridad.

Sa tanong kung bakit isusuko si Bertes, sinabi ni Kazuo na natatakot siyang mamatay ang kanyang kinakasama. Hinalughog umano ng pulis ang kanilang tahanan hanggang sa alisin ng pulis ang saplot na suot ng kanyang dalawang taong gulang na anak na babae. Nasaksihan ng kanyang anak at ng kanyang biyenan ang naganap sa kanilang tahanan.

PNP CHIEF, DUMALO SA PAGDINIG.  Makikita si Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa na kinakausap si Senador Leila de Lima bago nagsimula ang pagdinig sa sinasabing extrajudicial killings na may kaugnayan sa anti-illegal drug campaign.  (SENATE PRIB Photo)

Pinagbantaan pa umano ng pulis na papatayin si Bertes subalit nagmakaawa siyang huwag naman sa harap ng kanyang pamilya. Hindi nagtagal ay dumating ang kanyang biyenang lalaki, si Renato Bertes, samantalang naghahalughog ang mga pulis. Wala umanong natagpuang droga sa kanilang tahanan.

Dinala ang kanyang kinakasama at ang kanyang biyenang lalaki sa himpilan ng pulisya sa Station Against Illegal Drugs detention cell. Namatay ang mag-ama samantalang nagtatangkang mangagaw umano ng baril ng isa sa mga pulis.

Tumagal ang pagdinig ng higit sa tatlong oras. Itutuloy ang pagdinig ng Senate Committee on Justice bukas ng umaga.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>