|
||||||||
|
||
Pulisya, walang kinalaman sa extrajudicial killings
NANINDIGAN si Police Director General Ronald De la Rosa na hindi nila kinokunsinte ang extrajudicial killings at isinisi sa mga sindikato ang pagtaas ng bilang ng salvage victims sa bansa.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni General dela Rosa na hindi nagbabago ang kanilang paninindigan, may mapapatunayang pulis na lumalabag sa batas, sisiyasatin siya at maparurusahan.
Sa balitang may vigilante killings, sinabi ni General dela Rosa nahindi kailanman papayagan ng pulisya ang mga pagpaslang na ganito.
Iba't ibang sindikatong sangkot sa illegal drugs ang may kagagawan ng mga pagpatay. Mayroon umanong mga prueba na magpapatunay na ang mga pagpaslang ay kagagawan ng mga sindikato.
Patuloy umanong maglilingkod at magsasanggalang sa mga Filipino ang pulisya ayon sa batas, dagdag pa ni General dela Rosa.
Sa datos ng tanggapan, mula unang araw ng Hulyo hanggang kahapon, ang mga drug-related death sa police operations ay umabot na sa 718 samantalang 10,153 ang nadakip sa may 6,000 anti-narcotics operations. May 600,000 nang drug users at pushers ang sumuko sa pulisya.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |