|
||||||||
|
||
Malaking hamon sa kabuhayan ng bansa ang pagbabago sa klima
NANANATILING malaking hamon sa Pilipinas ang nagaganap sa pagbabago sa klima. Ito ang sinabi ni Dr. Gilberto M. Llanto, pangulo ng Philippine Institute for Development Studies sa kanilang malawakang pulong kahapon.
Magkakaroon ng maayos na programa kung mayroong pagsusuri sa pandaigdigan at pambansang karanasan sa epekto ng iba't ibang larangan lalo't higit sa ekonomiya. Mahalaga ring mabatid kung ano ang tugon upang makabawi ang ekonomiya mula sa matitinding dagok at hamon at makagawa ng mas mabuting programa.
Mahalaga ring mabatid ng mga gumagawa ng mga programang pangkaunlaran ang pagkakaroon ng tinaguriang "resilience thinking." Sa sistemang Ito, magkakaroon ng angkop na tugon at magiging mas matatag ang sektor ng ekonomiya.
Pangatlo ang Pilipinas sa mga madaling maapektuhan ng pagbabago sa klima sa pagtatamo ng 52.46%. Nanguna ang Vanuatu at pangalawa ang Tonga. Pang-apat naman ang Japan at nasa ikalimang puesto ang Costa Rica. Sa katagang "exposure," nangangahulugan itong ang mga mamamayan, pagawaing-bayan at kapaligiran ang maaaring maapektuhan ng isa o higit pang natural hazards tulad ng lindol, tagtuyot, baha at pagtaas ng tubig-dagat.
Pangalawa naman ang Pilipinas sa talagang ng na sa mapanganib na kalagayan at nanguna ang Vanuatu. "Exposed" o bukas ang Pilipinas sa mga hagupit ng kalikasan ayon na rin sa World Risk Report of 2014.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |