|
||||||||
|
||
melo
|
TULOY ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtahak sa landas na mapayapa, walang krimen, walang katiwalian na hindi maapektuhan ng anumang kontrobersya.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang press briefing sa Malacanang kanina. Hindi umano nagbabago ang pananaw ni Pangulong Duterte upang makamtan ang kanyang pangako.
Sinabi ni Secretary Abella na kailangang suportahan ang pamahalaang magkatotoo ang mga programang ito.
Ito ang kanyang pahayag samantalang isinasagawa ng Senado ang pagdinig sa mga usaping may kinalaman sa extra-judicial killings.
Sinabi naman ni Secretary Martin Andanar na hintayin na lamang ang buong larawang makakamtan sa pagdinig ng komite ni Senador Leila de Lima. Idinagdag pa ni G. Andanar na ang kailangan ay maging mahinahon ang lahat.
Iminungkahi ni G. Andanar na makabubuting suriin ang mga nagaganap upang magkaroon ng mas magandang pananaw sa mga isyung pinag-uusapan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |