Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Halos desperado na ang mga mangangalakal sa traffic

(GMT+08:00) 2016-09-21 18:57:55       CRI

Halos desperado na ang mga mangangalakal sa traffic

 

HANDANG SUMUPORTA ANG MGA MANGANGALAKAL. Sinabi ni G. Donald Dee, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines, na handa silang sumuporta sa programa ng pamahalaan upang maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila. Ni hindi na nila madisiplina ang mga manggagawa sapagkat walang maasahang sistema sa trapiko sa kalakhang Maynila. (Melo M. Acuna)

MAIIBSAN ANG TRAPIKO. Naniniwala si dating MMDA General Manager Robert Nacianceno na malulutas ang traffic problem sa Metro Manila kung magkakaroon ng mga dagdag na tulay sa Pasig River, luluwag ang mga lansangan at magkakaroon ng regulasyon sa mga bus. Ito ay ilan lamang sa kanyang mga pahayag sa Wednesdasy Roundtable @ Lido. (Melo M. Acuna)

HALOS wala ng pag-asa ang mga mangangalakal sa problemang dulot ng traffic sa Metro Manila. Ni hindi na nila madisiplina ang kanilang mga kawani sapagkat hindi maayos ang daloy ng mga sasakyan sa kalakhang Maynila.

Ito ang sinabi ni G. Donald Dee, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines na ang kailangan ay mayroon sa pamahalaang magsasabi ng mga programang ipatutupad at kanilang susuportahan.

Ayon naman kay G. Robert Nacianceno, dating General Manager ng Metro Manila Development Authority, kailangang magtulungan ang iba't ibang sektor ng lipunan upang malutas ang problemang kinakaharap ng mga mamamayan.

Isang nakikitang paraan ay ang pagluluwag sa mga lansangan at alisin ang mga sumasagka sa maayos na daloy ng mga sasakyan. Kailangang mawala ang mga nakaparadang sasakyang 'di na nagagamit. Kailangan ding mawala ang mga walang karapatang gumamit ng lansangan at malinis na ang mga sidewalk upang daanan ng mga mamamayan.

Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina, sinabi ni G. (Donald) Dee na kung kakailanganin ang emergency powers ni Pangulong Duterte upang malutas ang matinding trapiko sa Metro Manila ay susuportahan nila. Mahalaga lamang na masabihan sila kung anong partikular na programa ang ipatutupad.

Bagama't hindi makwenta ni G. Dee ang nawawala sa kalakal at ekonomiya, sinabi niyang malaki ang epekto sa productivity ng mga manggagawa sapagkat hirap silang makasakay tungo sa kanilang pinaglilingkuran.

Ipinaliwanag niyang kahit siyang nakasakay na sa kanyang kotse ay hirap sa trapiko, lalong mahirap ang tayo ng mga karaniwang sumasakay sa Light Rail Transit at Metro Rail.

Naniniwala naman si G. Nacianceno na mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagbibilang sa mga bus na hindi naman napupuno upang maibsan ang mabagal na traffic partikular sa EDSA o Epifanio delos Santos Avenue. Kailangan ding madagdagan ang mga tulay sa Pasig River upang mabawasan ang mga sasakyang dumaraan sa EdSA.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>