|
||||||||
|
||
Joint exercise ng mga Americano at Filipino, sinimulan na
NAGSIMULA kanina ang 33rd Joint US-Philippines amphibious landing exercises na kilalang sa pangalang PHIBLEX.
Mainit umano ang pagtutulungan ng mga kawal na Americano at Filipino. Ayon kay Brig. General John Jansen, sa ika-65 taon ng Philippine-US Mutual Defense Treaty, nananatiling matatag ang relasyon at pagkakaibigan ng dalawang bansa. Ang pagdaraos ng PHIBLEX ang higit na magpapatatag sa relasyong namamagitan sa dalawang bansa.
Si General Jansen ay siyang commander ng 3rd Marine Expeditionary Brigade ng US Marine Corps.
Bukod sa live-fire training at amphibious landing exercise, magkakaroon din ng humanitarian civic assistance program.
May 1,400 US servicemen mula sa Okinawa, Japan at 500 kawal Filipino ang lalahok sa dalawang linggong pagsasanay sa Ilang bahagi ng bansa.
Binanggit na ni Pangulong Duterte na ito na ang pinakahuling pagsasanay ng mga Americano at Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |