|
||||||||
|
||
Mga Programa sa Davao ni Mayor Duterte, gagawin na sa buong bansa
PILIPINAS, NAGPASALAMAT SA EUROPEAN UNION. Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Ernesto Abella na nagpapasalamat ang bansa at pamahalaan sa magandang kalakalang namamagitan sa Pilipinas at European Union. Sa isang panayam matapos ang kanyang talumpati sa EU - Philippines Business Summit, ipinaliwanag niya ang nilalaman ng10-point agenda ng Duterte Administration. (Melo M. Acuna)
PANGMATAGALAN ANG KALAKALAN NG PILIPINAS AT EU. Ito ang sinabi ni EU Ambassador to Manila Franz Jassen sa isang panayam sa idinaos na EU - Philippines Business Summit kanina sa Makati Shangri-La Hotel. Bukod sa human rights, tinitingnan din nila ang larangan ng politika at ekonomiya bago magsimula ng kalakalan. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella nagpasalamat ang Pilipinas sa European Union sa magandang kalakalan. Ibinalita rin niya sa mga panauhin (mula) sa European Union ang ginagawa ng pamahalaan sa ilalim ng 10-point agenda.
Ipinaliwanag din ni G. Abella ang mga naganap sa Davao na naging maunlad at payapa ay magaganap sa bansa.
Sa tanong hinggil sa Human Rights na isa sa mga ikinababahala ng European Union, sinabi ni G. Abella na walang anumang batas na nilabag si Pangulong Duterte at ang mga nababalitang napapaslang sa police operations ay dahil sa pagtatanggol ng mga alagad ng batas sa kanilang sarili.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |