|
||||||||
|
||
Kalakalan sa pagitan ng European Union at Pilipinas pangmatagalan
NANINIWALA si European Union Ambassador to Manila Franz Jessen na pangmatagalan ang kalakalang mamamagitan sa mga bansa sa Europa at Pilipinas.
Sa idinaos na European Union-Philippines Business Summit, sinabi ni Ambassador Jessen sa pagtutulungan ng magkabilang-panic, higit na uunlad ang kalakalan. Umaasa ang ambassador na madaragdagan ang mga mangangalakal na maglalaan ng kapital sa Pilipinas tulad rin ng mga Filipinong magnenegosyo sa European Union.
Mayroong mga pagkakataong magkakatugma ang pangangailangan ng European Union at Pilipinas. Inihalimbawa niya ang mga kabataang Filipino, magandang kaunlaran na mangangailangan ng makabagong technology. Sa Europa naman ay kinatatampukan ng mga makabagong teknolohiya at kapital. Dumarami na rin ang bilang ng mga matatanda sa Europa.
Bukod sa human rights, tinitingnan ng European Union ang nagaganap sa larangan ng ekonomiya at politika. Hindi sila maglalagak ng kapital sa Pilipinas sa panandaliang panahon. Mahalagang isyu rin sa kanila ang karapatan ng mga manggagawa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |